PAGE VIEWS

Sunday, June 12, 2011

BEST HRM SCHOOL IN THE VISAYAS ....

Galing akong Gaisano Main - Bacolod kanina natutuwa ako dahil me mga nakita pa akung mga plato at baso na puwede ko gamitin sa competition, well pinili ko na at bukas ko na lang pabayaran sa assistant ko at ipakuha sa driver....

Pumunta ako sa S.M. para kumain ng lunch since 12:30 na ng tanghali, ok na yung kinain ko sa L ' Kaisei... laman tiyan din kahit mainit yung california maki.... ewww
On the way pabalik sa hotel inikot ako ng driver kasi sarado na ang city kasi me independence day parada so nakaliko kami sa isang kanto, sa gawing kaliwa ko nakita ko ang HRM na school na ito at bumungad sa akin ang isang tarpaulin na nag sasabi ng " THE BEST HRM SCHOOL IN VISAYAS"
akala ko namalikmata lang ako at tinanong ko yung mamang taxi driver kung yun ba ang school ng mga tiga LCC - Bacolod so sinabi nya yun nga daw imagine that so ang ginawa ko pinabalik ko ang taxi driver para basahin ko ulit ang mga streamer na naka balandra sa harap ng gate nila.

Well umikot ulit kami na parang trumpo hehehe. At after 2 minutes nasa harap na ulit ako ng gate nila... Imagine hindi ako namalikmata sa nakita ko totoo nga nakasulat na sila ang THE BEST HRM SCHOOL IN VISAYAS...

BAKIT KUNO SILA ANG THE BEST HRM SCHOOL.


1. Well puwede sa Bacolod sila ang the best pero last February lang tinalo nga sila ng La Salle
Bacolod sa Fiesta Bacolod 2011 held in Robinsons, well paano nila sasabihin na sila ang the
best.
2. Tinalo ng LCC ang STC nung 2009 sa Bacolod pero tinalo ng STC ang LCC sa Cebu
Goes Culinary nuong 2010 which means STC ang depending champion ngayung taong ito pero hindi pa nila Tinatanggal ang banner at nag pagawa pa sila ng bago.. Samantalang kami
after a year tatanggalin na namin yan.

3. STC ang nagrepresent ng Visayas sa Food Showdown last 2010 sa Nationals so paanu sila
ang maging the best. Eh panay ang back stroke nga ng LCC sa Food Showdown 2010. I
admit mahina din ang performance namin last year top 4 lang kami out of 53 schools hindi kami nawawala sa magic 3 every year since 2007.
2010 1st Place - MIHCA, Manila
2nd Place - Lyceum Batangas , Luzon
3rd Place - St. Anne College Lucena, Luzon
4th Place - ST. THERESE - MTC COLLEGES - ILOILO, VISAYAS

4. Siguro ang Iloilo ay wala sa Visayas kaya hindi nila kami sinasama, well nag laban na naman
ang STC at LCC sa COP nung elimination no. 1 sila sa Market Basket kami no. 9 hehehe for the categories No. 9 kami at laging mas mataas ang ranking nila sa amin. Dun sa 4th category pareho kaming nalaglag hahaha... Kaya siguro nasabi nila na the Best school sila sa Visayas.
5. Pero nung grand finals ng Chefs on Parade 2011 kami ang nanalo ng Over All Champion
besting all HRM schools pero never namin pinagmalaki yun kasi its Gods gift to us.... Sila ano
napanalunan nila? Bakit wala silang streamer ???
6. Nung Grand Culinary Challenge 2011 , National Competition kami ulit ang nag over - all pero
hindi namin pinagmalaki yun, were not claiming to be the best because madami din kaming talo.

7. Hindi namin ugali na mag self proclaimed that were the best because there will always be
one superior to all of us... At please lang huwag nyo ibandera ang accomplishment nyo na 2 years ng nangyari hindi pa rin kayu maka move on...

Don't claim that your the Best school dahil nakakapangilabot ang self proclamation nyo. Mahiya naman kayo sa school na tumatalo sa inyo...



No comments: