PAGE VIEWS

Monday, June 13, 2011




MASARAP MANALO PERO NAPAKASAKIT MATALO ...culinary competition disasters, stories and a lot more... 


Bilang mga culinary competitors maraming nag aakala na napakadali ng ginagawa namin mag luluto ng isang dish ipapakain sa mnga judges and voila panalo na... That's totally wrong hindi po ganuong kadali ang manalo sa culinary contest here are some things na ibabahagi ko sa inyo.

1.  2007 MLA Black Box Australia malakas ang ulan ma traffic ang papuntang venue sa Blue Leaf - Taguig siksikan kami sa kotse nakatulog na kaming lahat pero hindi umuusad ang traffic sa lakas ng ulan imagine 30 minutes na lang mag sisimula na ang event galing pa kaming Quezon City, imagine yung iba kong contestant sumabit na lang sa catering truck kasi kulang kami sa logistics. Pag dating namin dun we only have 15 minutes to set up two tables lahat ng gamit namin hiniram sa isa kong supplier wala dapat masira, magasgas na gamit... Ang experience nakaka iyak gusto ko pa bang ulitin yun ang sabi ko hindi na pero tinalo namin ang ibang restaurant duon at isang 5 star hotel and we achieve a bronze award.

2.  2007 Food Showdown, nagmamadali kaming mag ingress ang aking assistant na si Fiel nakikipag kwentuhan pa sa Van pagbukas ko naghaharutan pa sila then yung plated dessert entry hindi pa na plating sarado na ang ingress gate nakita tuloy ako ng friend ko na si Gerry Gavilan kung paano mag mura sa parking lot at magsisigaw sa kotse sabay lagabag ng pintuan ng van... Sorry Shrek pa ako nuon...

3.   Naranasan nyo na ba na magbuhat ng container box at mga plato sa Chefs on Parade kasi yung aking mga set up brigade nawawala kasi nag meryenda, laro na ni Benedict Benedicto kailangan ma iset up ang buong station in 5 minutes. Walang katulong ang contestant ko so kami lang dalawa imagine naka barong ako nung day 2 ng chefs on parade wala ako nagawa kundi magbuhat ng plastic container box at crates of plato wala poise, pero sa panahon ng kagipitan no choice!!!

4.  I trully admire the bayanihan ng mga pastry chefs na ito nung sumali sila last Hofex imagine pinagbubuhat nila ang mga babaing pastry chefs ng styro box container. Walang ka kyeme kyeme si multi awarded pastry chef na magbuhat ng pink styro box na may taling lubid at isinabit nya itoo sa balikat nya.. Labas tuloy nagmukha syang nagbubuhat ng ice candy ... Hindi ako ang nag bansag nun si Gerry at si J.M. yung mga kasama ko... hahaha. pero in fairness mukha talaga syang nagbebenta ng ice candy sa itsura nya. Kasi naman yung mga kasama nya ang bansag sa kanila is Team Alipin....

5.  Mayrung Chef na ubot ng yaman na sya mismo ang nag finance ng lahat ng competition na sinalihan nila imagine for the sake na may mapatunayan sa culinary world he would personal pay for the expense of the entire team tapos delay pa sya i reimburse sa mga expenses nya.. Well kung ang iba ay addicted to cars and games, motors, ito culinary competition ang kinahuhumalingan nya hundreds of thousands ang ibinibigay nya sa team. Kaya ako saludo ako sayo kasi isa kang uto uto!!!

No comments: