PAGE VIEWS

Tuesday, June 14, 2011

MINSAN LANG AKUNG NAGMAHAL .....


Dumadating sa buhay ng tao na nagmamahal tayu, sino ba ang hindi nagmahal ng lubosan si Ate Vi nga may Edu Manzano, Ralph Recto, Si Sharon nga may robin padilla, richard gomez, kiko pangilinan, gabby conception at even si Kris Aquino merong, robin padilla, philip salvador, james yap, joey marquez di ba ang dami...

Ako aaminin ko isang tao lang ang minahal ko ng lubusan..
Paano ba magmahal ang isang taong ito....

1.  Lagi akong masaya, syempre kung sa umaga na pag gising mo may text or tawag na bubungad sayu at sasabihing good morning , hope your going to have a fine day! Di ba kilig to the max yun ang sarap magbasa ng mga sweet nothings, buo na ang araw mo kahit pa bumabagyo sa labas feeling mo there's a sunshine after the storm.... di ba ang sweet....


2.  Every 15 minutes may nag tetext sayu na kamusta ka na kumain ka na ba ? Kahit kakatapos nyo pa lang mag usap sa phone tinatanung kung bakit hindi ka nag tetext... You may call it O.A. pero sa isang kagaya ko thats sooo sweet... Para kang nasa cloud nine every time na makakatanggap ka ng ganuong klaseng text.

3.  Tuwing meal period lunch and dinner even breakfast 30 minutes before tinatanung ka na kung kumain ka na syempre lagi mong answer hindi pa , tapos sasabihin nya na kung andyan lang ako ako ang maghahain para sayu or sabay tayung kakain di ba sa ganuong gesture your so touched sa ginagawa nya.

4.  Kuminsan in the event na kinukulang sya ng pera ikaw naman to the rescue bibilhan mo sya ng grocery, pautangin mo siya muna ng pera kahit na your expecting na hindi ka na babayaran pero hindi mo na iniisip yun  ang mahalaga sa yu makatulong ka sa taong mahal mo. Masarap ang feeling mo na nakaka tulong ka sa taong minahal mo ng lubusan...

5.  Nung isang beses na nag contest kami sa Cebu tumawag siya ng madaling araw kasi ang sakit sakit daw ng tiyan nya umiiyak siya sa sakit and I immediate called somebody to drive for him and bring him to the nearest hospital imagine sa ganuong sistema hindi mo matiis ang taong yun kinabukasan pinadalhan mo na agad sya ng pera pambayad sa hospital.

6.  Pinilit kong mag papayat sa para kanya imagine tuwing umaga gumigising ako ng 4:00 a.m. para lang mag jogging sa board walk tiniis ko yung hirap imagine 2 hours akong takbo ng takbo sa Board walk bumili pa ako ng running shoes ilang beses nya sinabi sa akin na sasama sya para mag run sa board walk to the point na binilhan ko sya ng running shorts kasi yun ang dahilan kung hindi siya makasabay sa akin. Yung mga bagay na yun syempre umaasa ka na may kasama ka pero still wala. Di ka nagalit pero your longing for the time na mag kasama kayu....

7.  Dumating ang aking birthday last year matagal na naming pinag planuhan na were going to have a week end sa Cebu ako naman excited na mag ka bonding kayu. Dumating ang araw ng aking kaarawan madaling araw 12:01 ng madaling araw tumawag sya to greet you di ba how sweet then akala mo in the morning papunta na kayu ng airport pero sad to say he has to attend sa kamag anak nyang may sakit sa Miag Ao so how true is that matagal na kayung mag kaibigan pero you never knew na meron palang kamag anak siya sa Miag Ao... masakit hindi ba yung wala siya sa tabi mo sa panahon ng iyong kaarawan.

8.  Syemppre ikaw hindi ka na tumuloy sa Cebu kundi mag maktol na lang sa loob ng kwarto mo , instead na mag celebrate maghapon kang nag mumukmok sa isang sulok wala ka sa mood mag work. Pero kinabukasan pumunta sya ikaw naman bale wala sayu ang nangyari may gift sya sa akin tinanggap ko naman para akong sira pero pag mahal mo kasi ang isang tao hindi mo iniisip kung ano ang kasalanan nya.

9.  Kinagabihan nag grocery kayu sa S.M. as usual supply wala na kasi sya eh.. nangako sya na ihahatid Nya lamang ang pinamili namin before kami lumabas, he wants to make up for the lost time na hindi nya na spent ang day ng aking birthday. Ikaw naman nag agree ka umuwi ka na at nagbihis ready for gimick umaasa na on the way na sya pabalik. Pero nagkamali ka 9:00 - 10:00 - 11:00 nag text sya na wala pala sya pamasahe. Para pumunta sa akin so anu ang mararamdaman mo masakit yun di ba?

10.  Masakit magmahal ng tao specially walang nangyari sa inyo kasi kung mahal mo ang isang tao ayaw mong hingin yun dahil natatakot kang  lumayo ito nag iintay ka ng tamang panahon... Hanggang sa sumama na ang loob mo at inutusan mo na lamang mo ang iyong puso na tigilan na syang mahalin kasi wala namang silbi hindi mo ba nagets ginamit ka lang taong yun pero ikaw nag bulag bulagan ka damit mahal mo sya.

11.  Lagi nya ako pinatatawa kung nagugutom sya I would call my friend na si Miguel Cordova to bring chicken in a basket for him. Maraming beses na kaming gumimik at ilang beses na rin syang nalasing hindi ko sinamantala ang pagkakataon na nalasing sya dahil mahal mo nga sya.   Masakit man aminin pero kinalimutan mo ang iyong estado sa buhay at nagsilbi kang bulag sa pagmamahal...

12 Bakit ko sinulat ito dahil ngayun namiss ko sya yung mga kulitan nyo at the happy memories na naging kayo kahit ang tawag sa akin ay BRO!!

1 comment:

bruneiyuki214 said...

nakaka-touch naman nena.. ipadala mo kaya kay tita regine sa bombo radyo, for sure patok na patok yung story mo neng'.. love it bro.